TAWAG-PAGPASA PARA SA BAGONG DAGTA: AKLAT NG EROTIKA!!!
Posted 11:05 AM by AD in Labels: call for submits, dagta, eroticaTulad po ng sinasabi ng mga eksperto, ang pag-ulos ay me ritmo, at mula sa ritmo ay ang kabuuang hinahanap, kaya sa ngalan ng ritmo, kabuuan, at ng samu’t-sari nating restriksyon sa pakikipagniig, nais po naming bigyan ng ilang kundisyones ang mga akdang ipapasa para sa antolohiyang ito: ang hinahanap po namin ay mga akdang hindi bababa sa katorse at hindi lalampas sa sisenta’y-nuwebeng salita; ang hinahanap po namin ay mga akdang kinatha mula sa dilang Pilipino (puwera Inggles); ang hinahanap po namin ay mga akdang bakla, lesbiyana, macho, malandi, matalinhaga (at hindi), kuwento at sanaysay at tula at dula (at kahit ano pang mahahanap sa gitna); ang hinahanap po namin ay mga akdang hindi kontento sa isang pasadahan lamang; ang hinahanap po namin ay mga akdang pipilahan, babalik-balikan, hindi malilimutan.
Ipasa po ang mga akda sa dagatdagatangdagta(at)gmail(dot)com, sa format na RTF, bago ang ika-10 ng Oktubre, 2011, naka-address po sa aming dalawa, mga patnugot ng antolohiyang ito, sina Juan Poque Calvo at Giovanni “Gemini” Salud, sa pamumuno ni J. Luis Camacho. DAGTA DOS: HABOL-HININGA – pagod o euphoria?
Salamat po at panoorin/pakinggan na muli ang mahabang de-bate.
2 comments:
beettttttt.
cool... hahaha
Post a Comment